in

Paolo Contis, sinadyang magpapayat

Hindi raw naging madali ang pinagdaanan ni ‘Bubble Gang’ star Paolo Contis sa pagbabawas ng timbang.

Sa kanyang online interview para sa launch ng GMA Artist Center YouTube channel, ibinahagi ni Paolo na nakagawian na niyang mag-diet sa tuwing may pinaghahandaang proyekto. 

“Ang hirap! Ako kasi ‘pag may trabaho lang, saka lang ako magdiyeta. Kasi gusto ko mag-enjoy,” ani ng aktor.

Pag-amin pa ni Paolo, napansin daw niya ang epekto ng kanyang timbang sa mga gawain ngayong quarantine. “Siyempre ngayong quarantine, kumakain ka na nga, ‘di ka pa gumagalaw. So habang lumalaki ka, nagmamanas ka. ‘Yung paa ko nagmanas e. Sabi ko sandali kailangan ko na ata at medyo may hingal na.”

Bukod sa ‘juicing’ diet ay nag-eehersisyo na rin daw siya ngayon. Importante raw na manatiling healthy lalo na sa panahon ngayon, “It’s the health more than the physical, weight, and everything. Mas gusto ko siyempre healthy. Siyempre malaking panlaban mo ‘yan sa sakit, sa COVID, ‘di ba?”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Manilyn Reynes at Arthur Solinap, balik-taping na para sa ‘Pepito Manaloto’

#JusticeForJenniferLaude: Liza Soberano, disappointed sa desisyon ng goberynong palayain si Joseph Scott Pemberton