in

Manilyn Reynes at Arthur Solinap, balik-taping na para sa ‘Pepito Manaloto’

Mas sasaya ang inyong “ber” months dahil balik-taping na ang cast ng award-winning comedy sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento’ para sa kanilang fresh episodes.

Sa kanyang Instagram ay ipinasilip ni Manilyn Reynes (Elsa Manaloto) ang behind-the-scene photo nila ng co-star na si Arthur Solinap (Robert). Mapapansin na habang hindi pa nakasalang sa camera ay maingat ang dalawa na nakasuot ng face mask at sinusunod ang proper social distancing.

“Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nung Mar. 15. First scene po ito ~ sina Elsa at Robert @arthursolonap. Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God,” ani Manilyn.

Ngayong Sabado (September 5) ay may special comeback episode ang cast ng Pepito Manaloto para sa kanilang fans ngayong quarantine. Magsasama-sama sina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares para sa isang masayang kumustahan segment at nakakaaliw na mga palaro. Tutukan ‘yan ngayong Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Klea Pineda, pina-wow ang netizens sa latest post!

Paolo Contis, sinadyang magpapayat