in

‘Kiko En Lala,’ napapanood na sa YouTube

Napapanood na ngayon sa YouTube ang debut movie ni Super Tekla na “Kiko En Lala” matapos itong i-upload sa YT channel ng GMA Network noong September 2 bilang bahagi ng “Super Stream.”

Hindi naman ito pinalampas ng netizens at pinusuan pa ang storyline at ang kakaibang brand ng comedy ng Kiko En Lala. Kuwento pa nga ng user na si Mae Ann, “Umpisa pa lang natatawa na ako. OMG, naiyak ako sa huli.”

Maliban kay Super Tekla, tampok din sa pelikula sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Jo Berry, at Divine Tetay, with the special participation of Aiai Delas Alas.

Para mapanood ang Kiko En Lala at ang buong set ng Kapuso video content na available para sa unang linggo ng Super Stream, bisitahin lang ang GMA Network YouTube channel at huwag kalimutang mag-subscribe!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso singers, patutunayan ang galing sa ‘Quiz Beh!’

Kapuso stars na bibida sa ‘I Can See You: The Promise’, sumabak na sa taping!