in

Kapuso singers, patutunayan ang galing sa ‘Quiz Beh!’

Ang Kapuso singers na sina Denise Barbacena, Matt Lozano, Hannah Precillas, at Psalms David ang maghaharap-harap ngayong Biyernes (‪September 4) sa GMA Artist Center online game show na ‘Quiz Beh!’

Hindi sa kantahan at biritan magpapasiklaban ang mga artista kundi sa tapatan ng talino at diskarte. Mayroon ding kumustahan at kulitan kasama ang host ng game show na si Betong Sumaya. 

Abangan ito ngayong ‪September 4, 3pm, sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center YouTube Channel.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Klea Pineda at Glydel Mercado, kapit sa patalim sa ‘#MPK’

‘Kiko En Lala,’ napapanood na sa YouTube