in

Zoren Legaspi at mga anak, ibinuking si Carmina Villaroel

Mangiyak-ngiyak sa katatawa si Carmina Villarroel sa surprise game na inihanda nina Cassy, Mavy at Zoren Legaspi para sa kanyang birthday episode sa ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ noong nakaraang Sabado (August 15).

Sa larong Carmina-risms, game na game na ginaya ng asawa at mga anak ni Carmina ang kanyang mannerisms sa iba’t ibang sitwasyon na kailangan niyang hulaan. Pagbubunyag ni Zoren, lagi raw natataranta ang asawa sa tuwing pupunta sila ng airport. Depensa naman ni Carmina, “Syempre masunurin ako! Gusto ko relaxed na kami pagka-board sa eroplano.” 

Ini-arte rin ng mga anak ang ilan pang mannerisms niya gaya na lang sa tuwing nagpapaligo ito ng kanilang mga aso o di kaya’y kapag nagva-vlog at nakakalimutan ang sasabihin.

Tuluy-tuloy ang masayang selebrasyon para sa 45th birthday ni Carmina ngayong Sabado (August 22) sa ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’, 10 AM, sa Kapuso Network.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eugene Domingo at Neil Ryan Sese, bibida sa fresh episode ng ‘Dear Uge’ ngayong Linggo

Bakit nga ba naging emotional sina Mikael Daez at Megan Young sa latest vlog?