in

Eugene Domingo at Neil Ryan Sese, bibida sa fresh episode ng ‘Dear Uge’ ngayong Linggo

Kaabang-abang ang paparating na weekend dahil muling mapapanood si Eugene Domingo sa isang nakakaintriga at napapanahong kwento para sa fresh episode ng ‘Dear Uge Presents’ ngayong Linggo (August 23). 

Makakasama ni Eugene sa brand new episode ng award-winning comedy anthology ang kapwa mahuhusay na aktor na sina Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon.

Tunghayan ang kwento ng mag-asawang sina Amor (Eugene) at Migs (Neil Ryan) na matapos ang sampung taon ay napagdesisyunang maghiwalay dahil sa madalas nilang hindi pagkakaunawaan. Makalipas ang ilang buwan, bumalik si Migs sa kanilang bahay upang kunin ang mga natitira niyang gamit. Pero dahil sa COVID pandemic, inabutan siya ng enhanced community quarantine kasama si Amor. Ano kaya ang matutuklasan ng dalawa sa isa’t isa?

Abangan ito sa much-awaited comeback ng ‘Dear Uge Presents’ ngayong Linggo (August 23), 2:30 PM, sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Garrett Bolden, nominado sa 2020 Awit Awards  

Zoren Legaspi at mga anak, ibinuking si Carmina Villaroel