Consistent talaga ang GMA Network sa pagiging top online news source sa bansa.
Ngayon nga na kung kailan karamihan sa mga Pinoy ay naka-quarantine sa bahay at mas maraming oras mag-internet, lalo pang umakyat ang dami ng nanonood ng video content ng GMA News sa Facebook at YouTube pages nito.
Ayon ito sa measurement ng Tubular Labs kung saan naging top online news video publisher ang GMA News sa Pilipinas at pasok din sa global ranking.
Noong buwan nga ng Mayo, umabot pa sa nakakabilib na top 3 ang GMA News sa global ranking at kinabog nito ang ibang malalaking outlets sa Amerika!
At noong Hunyo naman, pareho nang naging top news source sa Pinas ang GMA News at GMA Public Affairs dahil sa iba’t ibang klase ng videos na bukod sa naghahatid ng balita at impormasyon ay nagdadala rin ng saya at inspirasyon lalo na ngayong may pinagdaraanang krisis ang mundo.
Matatandaan din na ang Kapuso Network ang unang Philippine network na nakatanggap ng dalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube dahil parehong lumagpas na sa 10million-subscriber mark ang GMA Network at GMA Public Affairs na Youtube channel.