in

Benjamin Alves at EA Guzman, paano nilalabanan ang anxiety sa gitna ng pandemic

Sa episode ng ‘Mars Pa More’ noong Biyernes, ibinahagi ng Kapuso actors na sina Benjamin Alves at EA Guzman kung paano nila iniiwasang lamunin ng anxiety dahil sa pandemyang kinahaharap natin ngayon.

Ayon kay Benjamin, hindi pa tuluyang nag-sink in sa kanya ang sitwasyon sa simula ng quarantine period at masaya pa itong nag-catch up sa mga pinapanood na dramas. “Ngayon lang ako nagkakaroon ng anxiety na gusto ko na lumabas. Kasi ang daming pwedeng panoorin, ang daming pwedeng gawin, but now parang nauubos na siya.”

Pagku-kwento naman ni EA, hindi niya naiwasang makaranas ng paranoia sa mga unang araw ng quarantine pero kalauna’y nalabanan din. “Ako noong first month nung ECQ, medyo kinakabahan ako for me and for my family siyempre. Nakakapraning.”

Sa sharing group ng Mars Pa More ay inimbitahan din ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang clinical psychologist na si Richthofen de Jesus upang matulungan ang viewers na nakakaranas ngayon ng anxiety. 

Samantala, tuluy-tuloy na salubungin ang umaga with fun new segments hatid ng fresh episodes ng Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:45AM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Prima Donnas,’ balik-telebisyon na!

Kapuso Network, top news source hanggang sa online!