in

Tom Rodriguez at Carla Abellana, may “wedding plans” na?

Game na game na sumabak sa “GusTOMoba” challenge ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang mag-guest sa ‘Unang Hirit’ noong Martes, August 4. 

Iba’t ibang mga tanong mula sa host na si Lyn Ching ang sinagot ni Tom, pero ang pinaka-espesyal ay nang matanong siya kung handa siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Sagot ng aktor, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”

Pero naiintindihan naman daw ni Tom na gusto ni Carla na maging special ang wedding day nila, “Ako, my only dream is to be the one next to her. That’s my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her.” 

Samantala, napapanood pa rin sila Tom at Carla sa rerun ng My Husband’s Lover tuwing Linggo ng gabi sa SNBO. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sarap, ‘Di Ba?,’ mas pinaaga na!

Jak Roberto at Barbie Forteza, may bonding time sa kusina!