in

‘Sarap, ‘Di Ba?,’ mas pinaaga na!

Mas maaga na ang weekend bonding kasama ang Legaspi family dahil sa pinaagang timeslot ng paboritong Saturday morning talk-variety show na ‘Sarap, ‘Di Ba?’ simula ngayong Sabado (August 8), 10AM, sa Kapuso Network!

Makisaya sa unli-chikahan, easy recipes, at fun activities nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi na siya mismong direktor ng Bahay Edition ng Sarap, ‘Di Ba? na kinunan mismo sa kanilang tahanan. 

Hindi rin dapat palampasin ang Kapuso stars na makikisaya at magbabahagi ng kanilang pinagkakaabalahan sa gitna ng quarantine.

Abangan ang masayang birthday celebration ni Nanay Carmina on August 15 kasama ang buong pamilya! 

Bukod sa fresh segments, abangan ang 5K Giveaway Promo na naghihintay para sa mga loyal viewers, baka ikaw na ang susunod na manalo. Gawing mas masigla ang simula ng inyong weekend at tumutok sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’, sa pinaagang timeslot, 10AM, simula ngayong Sabado (August 8) sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Reporter’s Notebook’ Special na “Sa Ngalan ng Edukasyon” ngayong Huwebes

Tom Rodriguez at Carla Abellana, may “wedding plans” na?