in

Winwyn Marquez, sumabak na sa military training

Inumpisahan na ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang kaniyang journey sa pagiging military reservist ng Philippine Navy noong Sabado, August 1, matapos niyang sumabak sa Basic Citizens Military Training.

Mukhang ginalingan niya at siya pa ang na-elect na class president ng kanilang batch na BCMC Class 01 2020. Ibinahagi niya sa Instagram ang naging training, “Congrats sa lahat! Class 01 let’s do this! A strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else.” 
 
Matatandaang nag-desisyon si Winwyn na sumali noong Pebrero at sa kaniyang enrollment ay winelcome pa siya ng kapwa Kapuso at Philippine Navy reservist officer na si Rocco Nacino.
 
Samantala, napapanood si Winwyn sa GMA News TV program na ‘Glow Up’ kasama sina Michelle Dee at Thia Thomalla.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Solenn Heussaff, mas masaya raw sa kanyang mom bod

Eugene Domingo, ipinasilip ang ‘new normal’ taping ng ‘Dear Uge’