in

Eugene Domingo, ipinasilip ang ‘new normal’ taping ng ‘Dear Uge’

Masayang ibinahagi ni Eugene Domingo ang pagbabalik-taping niya sa ilalim ng new normal para sa nalalapit na fresh episodes ng pinagbibidahang award-winning comedy anthology na Dear Uge Presents. 

Noong July 31 ay ipinasilip ng Kapuso actress sa kanyang Instagram followers kung paano isinasagawa ng kanilang team ang pagte-taping ng show sa gitna ng pandemya. Makikitang maingat na sinusunod ng staff at production crew ang bagong protocols alinsunod sa precautionary measures na ipinatutupad ng GMA Network.
 
“Much appreciation for all the staff, crew and artists on our first #dearugepresents taping. We will give you fresh episodes soon. Thank you loyal viewers! #kapitlangkapuso #practicingnewnormal,” ani ni Uge sa kanyang posts. 
 
Dahil unti-unti nang nagsisimula ang pagte-taping ng mga artista sa ilalim ng new normal, asahan naman ang mas maraming fresh episodes ng ilang Kapuso shows na hindi dapat palampasin.
 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Winwyn Marquez, sumabak na sa military training

Camille Prats, may sweet birthday message para sa asawa