in

Dianne Medina at Rodjun Cruz, online ang baby shower

Star-studded ang ginanap na virtual baby shower para sa baby boy nina Rodjun Cruz at Dianne Medina noong nakalipas na Linggo. 

Matatandaan na noong Abril ay inanunsyo ng celebrity couple na ipinagbubuntis ni Dianne ang kanilang first baby at noong Hunyo ay nagkaroon sila ng virtual gender reveal party.

Dahil sa new normal, naisipan muli ng soon-to-be-parents na gawing online ang baby shower ng kanilang baby boy na si Rodolfo Joaquin Diego III.

Join dito sina Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Sunshine Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz, at Djanin Cruz. Nagpasalamat naman si Rodjun sa lahat ng dumalo sa kanilang intimate virtual baby shower, “Thank you talaga Family! Love namin kayo! Siguradong super happy ni Baby Rodolfo Joaquin Diego III.” 

Samantala, napapanood sina Rodjun at Rayver sa paboritong weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays tuwing Linggo, 12:35PM, sa Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iya Villania, ipinakita ang kanyang postpartum body

Dingdong Dantes, tinuruan si Zia na mag-drums