in

Willie Revillame, nagbigay ng tulong sa 15 dialysis patients

Hindi lang isa kundi 15 dialysis patients ang binigyan ng tulong ng well-loved Wowowin host na si Willie Revillame. 

Sa June 30 episode ng Tutok to Win, isang pasiyente sa dialysis center ang natawagan ng Kapuso host. Nang malaman niyang kasalukuyang nasa dialysis center ito, hindi nagdalawang-isip si Willie na magbigay ng tulong para sa pagpapagamot ng misis ng ‘Tutok To Win’ winner.

Aniya, “Tulong natin sa kanila ‘yun. Ganyan lang ho ang buhay. Ito ang panahon para ho madinig natin, maramdaman natin, at importante ho maramdaman natin ang pangangailangan ng ating kababayan.”

Bukod diyan, tinulungan at binigyan din ng premyo ni Willie ang 14 pang pasiyente na nandoon din sa dialysis center. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Paolo Contis, paano nakuha ang loob ng anak ni LJ Reyes na si Aki?

Carmina Villarroel, YouTuber na rin!