Tiyak na puno ng masayang chikahan at challenges ang bagong YouTube channel ni Sarap ‘Di Ba? host Carmina Villarroel na matagal na raw pinangarap ang maging vlogger!

Aniya, “I’ve been dreaming of having my own channel and finally it’s here and it’s happening. Thank you, Lord!”
Dagdag pa ng Kapuso star, naisipan niyang subukang mag-vlog dahil sa mga anak niyang sina Mavy at Cassy na hilig umano ang manood ng YouTube videos. “‘Yung mga anak ko mahilig kasing nanonood sa YouTube. Ang dami nilang nakikilalang YouTubers, ganyan. Matagal ko na siyang iniisip na bakit hindi ako magkaroon ng channel? So nandito na nga!”
Nagpahayag si Carmina na bukas siya sa pagtanggap ng comments at suggestions. “I will be sharing my life. The lives of the Legaspi family. I will be sharing tips at tatawagin ko itong ‘Mina Hack.’ Ganda, ‘di ba? Meron din kaming mga challenges, ang tawag namin dito, Mina Dali!” At syempre, gaya sa Sarap ‘Di Ba na napapanood tuwing Sabado sa GMA, may ibabahagi ring masasarap at easy to follow recipes ang Kapuso actress.







