in

Kris Bernal, tumutulong sa mga tulad niyang business owners

Nagpaka-good samaritan ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa mga kapwa niyang nagma-manage ng mga negosyo na humaharap sa krisis ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa isang Instagram post, ikinuwento niya na nagla-laan siya ng panahon upang tulungan ang mga lumalapit sa kaniya na small business owners, “I’ve been taking on some free small business shout outs to help out anyone whose business has been struggling during these times. I take my support seriously – with setup! Lol! Ang hirap din maging food blogger! Anyway, I do this to match the business owner’s efforts.”

Ramdam kasi ni Kris ang hirap na dinaranas ngayon ng mga katulad niyang may negosyo kaya naman naisipan niyang gumawa ng paraan para kahit papaano ay makatulong sa kanila.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Derrick Monasterio, may bagong “baby girl”

Rita Daniela, binalikan ang experience bago sumikat ang ‘My Special Tatay’