in

Isang well-loved Kapuso program, magbabalik nga ba?

Ano kaya itong isang Kapuso program na magbabalik daw? Sa isang article sa website ng Kapuso Network, nabanggit na isang programang talaga namang minahal ng maraming Kapuso ang nakatakdang umere ulit upang “tuparin ang hiling” ng mga manunuod.

Kung ano man ito, siguradong maraming Kapuso na naman ang mapapaligaya ng nasabing programa lalo na’t nasa gitna pa rin tayo ng COVID-19 pandemic.

Malaking bagay kasi na mayroon tayong napapanuod na mga programang hatid ay pag-asa at inspirasyon, mapa-telebisyon man o sa online. Hindi pa man tuluyang balik-normal ang schedule ng mga palabas sa TV, hindi matatawaran ang Kapuso Network sa pagkakaroon ng mga espesyal na show para sa viewers.

Wish din namin na mas marami pang viewers ang makakuha ng inspirasyon sa pagbabalik ng nasabing programa. Kung ano man ito, abangan na lang natin!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, Megan Young, iba pang Kapuso stars, sumabak na rin sa video game streaming

Dina Bonnevie, todo-bonding sa asawa habang naka-home quarantine