in

Alden Richards, Megan Young, iba pang Kapuso stars, sumabak na rin sa video game streaming

Dumarami na ang Kapuso artists na nahuhumaling sa pag-stream ng kanilang paboritong video games. Maliban kasi sa nakakaaliw ito, naging paraan na rin nila ito upang labanan ang stress.

Nagsimula nang mag-stream ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kaniyang official Facebook page kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok Mobile.

Subaybayan din ang gaming stream ni Megan Young kung saan naglalaro siya ng iba’t ibang games gaya ng Ragnarok Mobile, Animal Crossing, at Stardew Valley. Call Of Duty Mobile naman ang kinahihiligan nina Rocco Nacino, Kristoffer Martin, at Michelle Dee.

Aliw rin panoorin si Paul Salas at ang kaibigan niyang si Arj Eder sa Facebook page na Arj & Paul kung saan naglalaro sila ng NBA 2k20.

Abala naman sa Mobile Legends gameplay si Shaira Diaz sa kaniyang gaming page na SDiaz Gaming. Huwag ding palampasin ang streams ni Faye Lorenzo kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Habang walang trabaho bilang aktor, Neil Ryan Sese may bagong negosyo

Isang well-loved Kapuso program, magbabalik nga ba?