in

Dina Bonnevie, todo-bonding sa asawa habang naka-home quarantine

Sulit ang ilang buwan na pamamalagi sa bahay ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday actress na si Ms Dina Bonnevie dahil naka-bonding niya ng matagal ang maybahay na si Ilocos Sur Representative DV Savellano.

Aniya, “Paggising sa umaga, immersion kami ng asawa ko sa Bible. Parang we made it to a point to study the Bible. We started during the time. Hindi lang ‘yung reading, talagang inaaral namin.

After that, bababa na ‘ko, luto na ‘ko ng lunch. Pagkatapos ng lunch, tulong sa hugas-hugas ng pinggan and then akyat na, compu-computer.” Marami rin daw siyang natutunan na lutuing mga bagong putahe habang nasa bahay. “Tapos ‘yung mga niluluto ko pinapadala ko sa Valle Verde, pinapadalhan ko si Danica [Sotto]. Si Danica naman, padadalhan niya ‘ko ng mga bineyk niyang bread,” dagdag pa niya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Isang well-loved Kapuso program, magbabalik nga ba?

Solenn Heussaff, ibinahagi ang cute photo ng mag-ama