in

Mikee Quintos, sasabak sa “E-Date Mo si Idol” ngayong Huwebes!

Excited na raw ang Kapuso star na si Mikee Quintos para sa kanyang online kuwentuhan with a fan sa “E-Date Mo si Idol” ngayong Huwebes, Hunyo 4.

Siya kasi ang ika-anim na celebrity na sasabak dito pagkatapos ng matalik na kaibigan na si Ruru Madrid, at kapwa GMA Artist Center talents na sina Angela Alarcon, Anthony Rosaldo, Faye Lorenzo, at David Licauco.

Sa Instagram post ni Mikee, inimbitahan niya ang kaniyang mga tagahanga na sumali sa once-in-a-lifetime opportunity na ito, “Be one of the three searchees to join the newest online dating game in town! Give it your best shot!! #EdateMoSiMikee 

Comment down below kung bakit ikaw ang dapat kong maka-e-date, Kapuso!! I can’t wait.”

Samantala, masaya at thankful din ang aktres sa mga sumubaybay sa rerun ng pinagbidahan niyang hit GMA series na ‘Onanay’ kung saan naka-trabaho niya sina Jo Berry at Kate Valdez.

Huwag palampasin ang pagkakataong makasama sa isang espesyal na gabi si Mikee ngayong Huwebes na ‘yan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagbabalik nina Mel Tiangco at Mike Enrique, inabangan!

Maricris Garcia, nasilayan na ang pinagbubuntis sa unang pagkakataon