in

Maricris Garcia, nasilayan na ang pinagbubuntis sa unang pagkakataon

“It was nice to finally meet you my love.”

Ito ang naging reaksyon ng Kapuso artist na si Maricris Garcia sa unang silip niya sa kaniyang baby.

Ibinahagi niya sa Instagram ang first sonogram video ng pinagbubuntis kaya naman pati ang kanyang fans at kapwa celebrities ay excited sa kaniyang journey to motherhood!

Inulan ng positive feedbacks ang comments section ni Maricris, kasama na rito ang  pagbati mula sa kanyang malalapit na kaibigan sa industriya tulad nina Pancho Magno at Rich Asuncion. 

Matatandaang inanunsyo niya ang kanyang pagdadalantao noong Mayo, “Walang mapagsidlan ang aming tuwa! Sa wakas, dininig Niya ang matagal na naming dasal. Ngayon palang mahal na mahal na kita.”

Congratulations at excited na rin kami to meet your little one!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, sasabak sa “E-Date Mo si Idol” ngayong Huwebes!

Kris Bernal, ipinasilip ang kanyang collection ng limited edition bags