in

Fans ng ‘Magkaagaw,’ excited sa pagbabalik ng serye

Sa ‘Magkaagaw’ teaser na inilabas ng GMA Network, muling binalikan ng cast members ang huling eksenang napanood sa TV bago ito pansamantalang nagpahinga sa ere dahil sa enhanced community quarantine.

Sa video, naglaan ng boses ang apat na GMA stars para i-dub ang intense na eksena kung saan nabisto ni Clarisse (Klea Pineda) na ang kabit ng asawang si Jio (Jeric Gonzales) ay ang boss niyang si Veron (Sheryl Cruz).

Dumating din ang nanay niyang si Laura (Sunshine Dizon) na ipinagtanggol ang anak mula sa pagta-traydor nina Jio at Veron.

Sa comments section ay ipinahayag ng fans na natuwa sila sa maikling handog ng serye.

Miss na raw nilang mapanood ang ‘Magkaagaw’ at looking forward sila sa muling pagpapalabas nito sa GMA Afternoon Prime. Napapanood ang video sa official YouTube channel ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, muling nagpahayag ng paghanga sa dedikasyon ni Tom Rodriguez

Derek Ramsay at Andrea Torres, muling nagkita at nagkasama