in

Derek Ramsay at Andrea Torres, muling nagkita at nagkasama

Matapos ang ilang buwang hindi pagkikita ng personal bunsod ng lockdown, muling nag-reunite ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Ito ay matapos bisitahin ng aktor ang kanyang nobya sa bahay nito. Sa Instagram ni Andrea, makikita ang larawan nilang dalawa na magkayakap at masayang-masaya.

Paglalarawan ni Andrea sa photo nila ni Derek, “My little piece of heaven.”

Hindi maikakaila ang matatamis na ngiti at saya na naramdaman ng dalawa matapos ang matagal na hindi pagkikita.

Kaya naman, sulit na sulit ang naging pagdalaw ni Derek kay Andrea dahil talagang namiss nila ang isa’t isa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fans ng ‘Magkaagaw,’ excited sa pagbabalik ng serye

Gabbi Garcia at Andre Paras, binalikan ang mga pinagsamahang proyekto