in

Megan Young, masaya sa maliliit na tagumpay sa gitna ng quarantine

Sa bigat ng problemang dinadala ngayon ng buong mundo bunsod ng patuloy na lumalaganap na COVID-19 pandemic, marami ang nakakalimot na bigyang halaga ang maliliit na tagumpay na ating nakakamit sa pang-araw-araw gaya na lamang ng mga simpleng gawaing-bahay.

Ito ang natutunan ni Kapuso actress Megan Young habang naka-quarantine kasama ang asawang si Mikael Daez sa kanilang tinitirahang condo.

Ani ni Megan, upang manatiling positibo sa kabila ng lahat, iniisip niya ang kanyang na-accomplish na goals – maliit man o malaki.

“When I need a boost of happy thoughts, I think of all the “wins” that I’ve had throughout the week – random things that made me happy during the week.”

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Megan ang maliliit niyang tagumpay sa linggong ito gaya ng pagkukumpuni ng PC nila ni Mikael na gamit ng dalawa upang maglaro ng online games, ang cute na espresso shots na in-order ng asawa, at maging ang paboritong santol na dala ng kanyang kapatid.

Samantala, magbabalik-telebisyon si Megan sa pagbibidahan niyang GMA series na ‘Legal Wives’ kasama si Dennis Trillo habang si Mikael naman ay tigil muna sa taping ng ‘Love of my Life’ na pansamantalang pinalitan ng rerun ng ‘My Husband’s Lover’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Apat na Kapuso hunks, maglalaban sa ‘Quiz Beh!’

Marian Rivera, bakit iniiwasan ang alak?