in

Marian Rivera, bakit iniiwasan ang alak?

Nagtataka ang netizens kung bakit tubig lamang ang hawak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ipinost nitong picture ng date nila sa bahay ng asawa na si Dingdong Dantes.

Sa Instagram post ay makikitang nagtsi-cheers ng kanilang iniinom ang dalawa at habang alak ang hawak ni Dingdong ay tubig naman ang kay Marian, “Cheers Mahal ko! Tubig na lang muna ko.”

Maraming netizens tuloy ang naintriga sa pag-iwas ng Kapuso actress sa pag-inom ng alak subalit ipinaliwanag ng Team Dantes sa kanilang website na ang pag-consume ng non-alcoholic beverage ni Marian ay dahil sa kasalukuyan niyang pagbe-breastfeed sa bunso nilang si Ziggy.

“Marian is still breastfeeding her youngest Sixto. That is why she can’t drink any wine nor any drinks with alcohol in it.”

Matatandaang nakiisa rin si Marian sa selebrasyon ng World Day of Human Milk noong Mayo 19 sa pamamagitan ng pag-donate nito ng kanyang breast milk at paghikayat sa kapwa ‘Padede moms’ na ibahagi ang kanilang gatas sa mga higit na nangangailangan.

Magbabalik-telebisyon naman si Marian sa pagbibidahang GMA series na ‘First Yaya’ kasama si Gabby Concepcion.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Megan Young, masaya sa maliliit na tagumpay sa gitna ng quarantine

Ken Chan, may bagong pinagkakaabalahan habang naka-quarantine