in

Tips para sa makinis na kutis, ibinahagi ni Barbie Forteza!

Hindi man makalamyerda dahil sa banta ng COVID-19, mahalaga pa rin daw ang pagpapahalaga at pag-aayos ng ating mga sarili ayon kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Sa kanyang YouTube vlog, nag-share ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star ng tips kung paano magkaroon ng makinis na kutis lalo na ngayong summer at matindi ang sikat ng araw.

Sa vlog ay ipinasilip ni Barbie kung paano siya naghahanda upang ma-achieve ang kanyang ‘natural look’ kahit pa indoor picnic lamang ang pupuntahan.

Ayon sa Kapuso actress, ang tatlong pinaka-mahalagang skincare products na dapat gamitin ngayong tag-araw ay ang toner para ma-seal ang pores, moisturizer panangga sa dry skin, at sunscreen bilang proteksyon sa araw.

Dagdag pa ni Barbie, depende pa rin daw sa skin type, daily routine, at lifestyle ng tao ang dapat na gamiting skincare products.

Gaya na lamang niya na hindi raw hiyang sa Korean skincare routine kung saan umaabot sa sampung produkto ang iyong gagamitin sa mukha, “Well sa experience ko after trying a lot of products and after ko mag-try ng iba’t ibang routine, I even tried the Korean skincare routine and hindi siya nag-work sa’kin. Para sa’kin, mas nag-work ang less products.”

Samantala, kahit di muna napapanood ang pinagbibidahang serye kasama si Kate Valdez na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, napapanood pa rin si Barbie sa rerun ng Meant To Be tuwing gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Abs nina Sanya Lopez at Kylie Padilla sa ‘Encantadia,’ paano nga ba maa-achieve?

Carla Abellana, ibang level ang pagmamahal sa alagang aso!