in

Carla Abellana, ibang level ang pagmamahal sa alagang aso!

Isa si Kapuso actress Carla Abellana sa mga artistang vocal pagdating sa tamang pag-aaruga sa ating mga alagang pets.

Ayon sa Love of my Life star, mahalaga raw na bigyan ng dobleng atensyon ang ating mga pets ngayong panahon ng tag-init lalo pa at hindi ito maganda sa kanilang kalusugan.

Sa kanyang YouTube vlog ay ibinahagi ni Carla ang naging proseso ng pagpapa-home service grooming para sa kanyang Yorkshire dog na si Bubbly.

Pagpapaalala naman ni Carla sa mga pet owner, panatilihin pa rin ang social distancing at magsuot ng protective gear kahit pa sa tapat ng bahay lamang aayusan ang mga pet at sakay naman ng van ang crew ng grooming service. Considered na essentials din daw ang veterinary services na allowed ngayong nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

“Grooming is important, fellow pet owners! Let’s all be responsible for our pets, especially now that it’s summer,” ani Carla.

Ikinatuwa naman ng supporters ng Kapuso actress ang patuloy na pagmamalasakit niya sa mga hayop sa kabila ng kinahaharap na COVID-19. “You have a big heart hindi lang sa mga fans pati sa mga hayop. Kung gaano ka kaganda sa labas ganoon din sa loob,” ani pa ng isang netizen.

Tigil man sa taping ang pinagbibidahang serye na Love of my Life, napapanood pa rin si Carla sa rerun ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tips para sa makinis na kutis, ibinahagi ni Barbie Forteza!

Heart Evangelista, ibinahagi ang nararanasang depresyon sa ‘KMJS’