in

Marian Rivera, muling nagpamigay ng home-cooked meals sa frontliners

Matapos mag-donate ng breastmilk sa mga sanggol na apektado ng health crisis, muling nagbigay ng kanyang tulong si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa frontliners na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan.

Nagluto ulit ng home-cooked meals ang aktres na kanilang ipinamahagi sa mga on duty frontliner.

Aniya, “Arroz ala Cubana with boiled egg naman tayo ngayon para sa lunch ng ating frontliners at the checkpoints. We used Ate Glenda’s recipe and these meals will be delivered to Lingayen Pangasinan and Pasay. Thank you Mahal @dongdantes for distributing in Pasay. Stay safe everyone!”

Katuwang ni Marian ang asawang si Dingdong Dantes sa pagtulong sa ating mga kababayan. Ang Kapuso actor ang personal na naghatid ng kanilang mga donasyon sa lahat ng reservists na naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iya Villania, ibinahagi ang workout routine habang naka-quarantine

Glaiza de Castro, nabuhayan ng loob dahil sa rerun ng ‘Encantadia’ at ‘Stairway to Heaven’