Batid ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang sayang hatid sa mga viewers ng muling pag-ere ng kanyang pinagbibidahang GMA shows na Encantadia at Stairway to Heaven.
Ito ay matapos ipatigil ang produksyon ng mga palabas sa telebisyon dahil sa banta ng COVID-19.
Ani ni Glaiza, natutuwa ito na parehas pang kontrabida ang kanyang ginampanang karakter sa parehas na palabas, “Nakakatawa kasi naiinis sila sa ‘kin as Pirena tapos maiinis din sila sa ‘kin as Eunice. So paano na?”
Pagbibiro paaiza bilang pambawi raw sa mga netizens na kinasusuklaman ang kanyang evil roles, kakantahan na lang daw niya ang mga ito sa social media para kahit papaano ay mawala ang inis sa kanya.
Hiling naman ng Kapuso actress na kasalukuyan ngayong naka-quarantine sa Baler, nawa’y makapagbigay-aliw at pag-asa raw sa viewers ang mga naturang show.
“Sa panahon ngayon siyempre ‘di ba kailangan natin ng positivity. Isa ‘yung ‘Encantadia’ sa parang nagbigay sa akin ng hope na, ‘Okay, magiging normal din ang lahat balang-araw kahit na marami tayong digmaan, kahit na marami tayong kalaban, kahit na maraming mga Pashneya. Magtatagumpay pa rin ang kabutihan,’” ani Glaiza.
Muling napapanood ang Stairway to Heaven tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 Na Utos habang napapanood naman ang Encantadia tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras.