in

Betong Sumaya, nagpasalamat sa ‘ayuda’ ni Paolo Contis

Nakakaaliw at tila pinagtibay pa ng enhanced community quarantine ang friendship nina Bubble Gang stars Betong Sumaya at Paolo Contis. Taos-puso ang pasasalamat ng Centerstage host na si Betong sa matalik na kaibigan nitong si Paolo Contis para sa ‘ayuda’ nitong pagkain na personal na inihatid pa ng huli sa kanya.

Pabiro pang tinawag ni Betong ang kaibigan na si ‘Mayor Paolo’ at partner nitong si ‘First Lady LJ Reyes.’ Sa kanyang eksklusibong panayam sa GMA Network, binahagi ni Betong na mas lubusan nitong nakilala ang mga tunay na kaibigan sa panahon ngayon ng krisis.

“Sa panahon ng kagipitan doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan. Ako, I’m so thankful na hindi man lang ako humingi ng tulong sa mga kaibigan ko, mga kapwa ko artista, nagbigay sila ng tulong sa akin,” ani ng Kapuso comedian.

Bukod kay Paolo, hindi rin daw siya nakalimutang abutan ng tulong ng iba pang kaibigan sa industriya gaya nina Boy 2 Quizon, Divine, Kakai Bautista, Aubrey Carampel, Susan Enriquez, at Boobay.

Samantala, mas pasayahin ang pananatili sa tahanan kasama ang kwelang videos na mapapanood sa pinakabagong YouTube channel ng GMA na ‘YouLOL’.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Baby pictures ni Marian Rivera, hawig na hawig kina Zia at Ziggy!

DenJen, sasabak sa ‘Bayanihan Musikahan’