in

Baby pictures ni Marian Rivera, hawig na hawig kina Zia at Ziggy!

Tila pinagbiyak na bunga ang baby pictures ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at mga anak nitong sina Zia at Ziggy nang ipagkumpara ng netizens. Hindi maikakaila na namana ng cute na cute na sina Zia ay Ziggy ang pagka-mestiza ng kanilang ina.

Ika pa nga ng netizens ay papasang triplets ang magi-ina, “Ang mag-inanh sobrang pinagpala sa ganda. Ang amo ng mga mukha.”

Ayon naman sa ilang netizens ay mini-me version ni Dingdong Dantes ang unico hijo nitong si Ziggy. Dahil tigil muna sa taping si Dingdong ng Descendants of the Sun ganoon din si Marian sa upcoming GMA series nitong First Yaya, inilalaan ng mag-asawa ang kanilang oras sa pakikipag-bonding sa kanilang mga supling.

Pansamantalang napapanood si Dingdong sa rerun ng Stairway to Heaven kasama si Rhian Ramos tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Viewers, napa-throwback sa ‘Art Angel’

Betong Sumaya, nagpasalamat sa ‘ayuda’ ni Paolo Contis