in

Mas masayang umaga hatid ng Kapuso Network simula Lunes

Kahit nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang ilang parte ng bansa, mas masaya at masiglang umaga naman ang hatid ng Kapuso Network sa pinakabago nitong morning programming line-up simula ngayong Lunes (Mayo 18).

Pagpatak ng 6:00am, tutukan ang mga latest updates tungkol sa COVID-19 at ilan pang kaganapan sa bansa sa paboritong morning barkadahan ng Unang Hirit.

Tunghayan ang exciting adventures ni Jackie Chan at ng kanyang pamangkin sa animated series na Jackie Chan Adventures tuwing 8:00AM.

Mas masayang bonding time naman with the kids ang hatid ng pagbabalik ng paboritong educational program na Art Angel tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes at 8:25AM.

Bukod sa nakakaaliw na arts and crafts nina Pia Arcangel, Tonipet Gaba at Krystal Reyes, tuwing Martes at Huwebes naman ay science experiments dala nina Chris Tiu at kwelang tambalan ng Moymoy Palabay ng iBilib ang mapapanood.

Matapos ang bonding time with kids, masayang chikahan naman with celebrity mommies na sina Camille Prats at Iya Villania ang hatid ng Mars Pa More tuwing 8:45AM.

Beat the cabin fever at tutok na sa mas pinasaya at pinasiglang morning programs sa Kapuso Network simula ngayong Lunes (Mayo 18).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Art Angel’ at ‘iBilib,’ mapapanood na tuwing umaga sa GMA Network

Rocco Nacino, may pa-feeding activity para sa frontliners