in

Rocco Nacino, may pa-feeding activity para sa frontliners

Tigil man sa kanyang trabaho bilang artista, tuluy-tuloy naman ang tungkulin ni Kapuso star Rocco Nacino para sa bayan.

Kamakailan ay may handog na feeding activity ang Descendants of the Sun actor para sa mga naka-quarantine na marine soldiers sa tulong na rin ni Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines. Pinuntahan nina Rocco at nobya nitong si Melissa Gohing kasama ang team ng S.T.A.R.S. ng Philippine Navy ang mga marine soldiers para sa kanilang patuloy na serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19.

“Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine yung tagal na di mo makakasama ang pamilya nyo,” ani ni Rocco sa kanyang Instagram post. 

Pagbabahagi pa ng Kapuso actor, dahil daw may strict contact policy ang Navy ay kwentuhan from afar ang naganap sa kanila ng mga frontliners. Nagpasalamat naman si Rocco sa kanyang kapwa reservists at volunteers na natutulong-tulong para sa pagbangon ng bayan. 

Samantala, habang tigil muna sa taping ang DOTS PH, mapapanood pa rin si Rocco sa rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mas masayang umaga hatid ng Kapuso Network simula Lunes

‘Pepito Manaloto,’ nag-trending, best comedy show ayon sa netizens