in

‘Karelasyon’ muli munang mapapanuod sa timeslot ng ‘Ilaban Natin ‘Yan’

Habang umiiral pa ang enhanced community quarantine, hindi pa rin makapag-tape ng bagong episodes ang karamihan sa TV programs ng GMA kasama na ang Ilaban Natin ‘Yan. Kaya naman sa susunod na dalawang Sabado ay mga espesyal na episodes muna ng Karelasyon ang mapapanuod natin.  

Kaya naman pagsapit ng 4 pm ngayong May 9 at 16, throwback muna tayo. Mapapanood sa Sabado ang episode na pinagbidahan nina Carla Abellana at Gabby Concepcion.

Hindi naman dapat mag-alala ang viewers dahil pwedeng pwede pa rin nilang mapanuod ang past episodes ng Ilaban Natin ‘Yan sa YouTube channel ng GMA Public Affairs.

May mga activity rin na inihanda ang Ilaban sa kanilang official Facebook page, https://www.facebook.com/IlabanNatinYanGMA/. Hindi lang Kapuso stars ang mapapanuod sa FB Live, pati mga eksperto sa iba’t ibang larangan ay may libreng consultation din tulad ngayong Huwebes (May 7), 7 pm, kung saan isang psychologist ang tampok sa FB Live ng programa. Sa tulong ni Dr. Camille Garcia, pag-uusapan kung paano mapapanatiling mabuti ang kalagayan ng ating mental health sa kabila ng krisis.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, may 1 million followers na sa TikTok

GMA News and Public Affairs, may podcast na!