in

Manilyn Reynes, nagkaroon ng simpleng birthday celebration kasama ang pamilya

Nagkaroon ng simpleng celebration ang Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes sa kanyang kaarawan noong Lunes, Abril 27.

Bumuhos ang pagbati ng mga kaibigan sa industriya para sa kaarawan ng aktres na kasalukuyang nananatili sa kanyang bahay bunsod ng pinatupad na enchanced community quarantine sa Luzon.

Sa Instagram, pinasalamat ng seasoned actress ang lahat ng nakaalala at bumati sa kanyang birthday.

Aniya, “Maraming salamat po dear Lord God, dear Jesus, sa aking kaarawan. Sa lahat po ng nakaalala, nag-greet, nag-message, tumawag, nag-post ng kanilang greetings, at patuloy pang nag-gi-greet, thank you sooo much Salamat sa relatives namin na bumati.”

Siyempre, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang pamilya na kasama niya sa kanyang special day, “At siyempre, sa aking asawang si Aljohn at mga anak na sina Kyle, Kirk at Kael, at mga kasama namin sa bahay na sina Manang Lilia, Ate Osang at Joey, na abala sa aming munting celebration, thank you very much. Daghang salamat Salamat po uli at ingat tayong lahat. God bless us.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, ibinahagi sa fans ang simpleng buhay sa probinsya

Marian Rivera, muling nagluto ng pagkain para sa frontliners