in

Kyline Alcantara, ibinahagi sa fans ang simpleng buhay sa probinsya

Ipinasilip ng Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Kyline Alcantara ang kanyang simpleng buhay sa Bicol habang pinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa probinsya kasalukuyang namamalagi ang aktres kasama ang kanyang pamilya simula ng ECQ. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Kyline ang ginawang pagkudkod niya ng niyog na kanya palang ginagawa kahit noong bata pa siya.

Ayon sa aktres, na-miss niya ang ganitong gawain sa kanilang probinsya kaya naman sinusulit niya ang kanyang oras para magawa ang mga bagay na itong muli.

Bukod dito, masaya siya dahil naka-bonding niyang muli ang kanyang lolo at lola maging ang kanyang pet corgi na si Bumbum habang nasa Bicol. Patuloy namang napapanood si Kyline sa no-contact online show ng All-Out Sundays tuwing Linggo sa Facebook account ng GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Strong Girl Bong Soon,’ muling mapapanood sa GMA Network!

Manilyn Reynes, nagkaroon ng simpleng birthday celebration kasama ang pamilya