in

Serye ni Yasmien Kurdi na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, patok sa Ecuador

Hindi lang sa Pilipinas minahal ang GMA Afternoon Prime series na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ na pinagbidahan ni Yasmien Kurdi kundi maging sa Ecuador ay hit na hit ito.

Sa katunayan, bumuhos ang papuri ng Ecuadorian viewers sa pagtatapos ng airing ng adbokaserye sa kanilang bansa.

Sa Instagram post ni Yasmien, pinasalamatan niya ang lahat ng nanood at tumangkilik sa kanilang programa.

Memorable rin sa Kapuso actress ang serye niya na ito dahil nagwagi siya bilang Best Drama Actress award sa 32nd Star Awards para sa kanyang performance bilang si Thea Balagtas. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chynna Ortaleza, ibinahagi kung paano inorganisa ang birthday celebration ng anak habang naka-quarantine

GMA Pinoy TV, nagbigay-pugay sa yumaong frontliners