in

GMA Pinoy TV, nagbigay-pugay sa yumaong frontliners

Binigyang parangal ng GMA Pinoy TV ang mga Kapuso abroad na frontliners na sumakabilang buhay dahil sa COVID-19. 

Naglabas ng video series ang GMA Pinoy TV sa kanilang Facebook account kung saan kinilala nila ang mga Pinoy na nag-alay ng kanilang buhay para maprotektahan ang kapwa nilang Pilipino at pati na rin ang ibang lahi sa hindi nakikitang kalaban. 

Ginunita nila ang alaala ng mga bayani ng krisis na ito bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo at makapaghatid ng pakikiramay para sa mga naiwan nilang mahal sa buhay. 

Kamakailan din ay nag-tribute ang GMA Pinoy TV para sa frontliners kung saan nagsama-sama ang ilang Kapuso personalities pati na rin mga empleyado ng network sa isang espesyal na music video ng “Buong Puso Para sa Kapuso”.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Serye ni Yasmien Kurdi na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, patok sa Ecuador

Janine Gutierrez, ikinatuwa ang Filipino sign language interpreter sa ’24 Oras’