in

Gabby Concepcion, ipinasilip sa fans ang farm sa Batangas

Isang video tour sa kanyang farmhouse sa Batangas ang ginawa ng Kapuso actor na si Gabby Concepcion para sa kanyang fans at followers.

Sa kanyang Instagram video, pinasilip ng aktor ang kanyang ‘Amang Lobo Homestead’ farm sa Lobo, Batangas kung saan siya kasalukuyang nananatili dahil sa lockdown sa Luzon.

Sa video, makikita ang dagat mula sa kwarto ni Gabby pati na rin ang mga pananim tulad ng puno ng saging, talong at oregano. May mga alagang hayop din ang aktor sa kanyang farmhouse.

Ibinalita rin ni Gabby na sisimulan din niyang ayusin ang kanyang jetski. Samantala, si Gabby ang magiging leading man ni Marian Rivera sa upcoming GMA series na ‘First Yaya.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chariz Solomon, saludo sa frontliners!

COVID-19 specials, mapapanuod ngayong Sabado sa GMA Network