in

Chariz Solomon, saludo sa frontliners!

Kakaibang experience para sa Kapuso comedienne at Bubble Gang star Chariz Solomon ang first time nitong paglabas ng bahay magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila.

Dahil may kailangang asikasuhing importanteng bagay, napilitan si Chariz na lumabas ng tahanan suot-suot ang facemask at face shield para protektahan ang kanyang sarili. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Chariz na hindi raw biro ang lumabas ng bahay lalo pa sa estado ngayon ng Metro Manila na higit na apektado ng lumalaganap na virus.

Kaya naman saludo raw si Chariz sa mga magigiting na frontliner na nilalagay sa peligro ang kanilang buhay para makatulong sa kapwa.

“Ang hirap pala. Grabe saludo ako sa frontliners natin talaga they have to be this intense and more 24/7,” ani pa ng Kapuso star.

Samantala, tuluy-tuloy ang saya sa longest-running comedy program na Bubble Gang na mapapanood tuwing Biyernes sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Batman Begins, mas tinangkilik panoorin ng viewers sa GMA Network

Gabby Concepcion, ipinasilip sa fans ang farm sa Batangas