in

Betong Sumaya, inaliw ang viewers sa ‘Laba Serye’

Sumakit ang tiyan ng viewers sa kakatawa nang mapanood ang Instagram stories ng Kapuso comedian at ‘Centerstage’ host na si Betong Sumaya!

May nakaka-aliw kasi itong pakulo na tinawag niyang #BetongsLabaSerye kung saan makikita siyang naglalaba ng mga underwear at damit habang bumibirit ng mga sikat na jukebox songs tulad ng “Feelings” ni Morris Albert at “Beep Beep” ng Juan Dela Cruz Band.

Dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown, mag-isa munang naninirahan sa QC si Betong at hindi pa makasama ang pamilya sa Rizal.

Sa pamamagitan ng mga paggawa ng nakakatuwang videos at pag-awit ay naaaliw niya hindi lang mga fans pati na rin ang sarili. Pansamantala munang itinigil ang pag-ere ng ‘Centerstage’ kaya naman namimiss na ng mga Kapuso fans sina Betong, Alden Richards at ang mga judges na sina Aicelle Santos, Pops Fernandez, at Direk Mel Villena!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kuwento ng Beki Basketball Beauties ng Tondo, muling mapapanood sa #MPK

Iya Villania, kahawig nga ba ang mga anak noong bata?