in

Kuwento ng Beki Basketball Beauties ng Tondo, muling mapapanood sa #MPK

Ngayong Sabado (April 25), balikan ang kuwento ng limang bekis na mahilig mag-basketball sa ‘Magpakailanman’.

Tuwing may liga o pa-fiesta sa kanilang lugar sa Tondo ay sila ang nagiging entertainment dahil sa kakaibang style nang kanilang paglalaro. Nakilala ang grupo nila na ‘ADA KRAB’ o Beki Beauties ng Tondo.

Malambot man daw ang galaw nila ay hindi sila nagpapatalo at lumalaban para sa premyo. Pero ang bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang kuwento.

Ang ‘Beki Basketball Beauties’ ay pinangungunahan nina Mart Escudero, Phytos Ramirez, Donita Nose, Buboy Villar, Kelvin Miranda, Ralph Noriega, Tom Olivar, Gigi Locsin, Ollie Espino, Anthony Rosaldo, Arny Ross at JC Tan.

Mula sa direksyon ni Jorron Monroy, abangan ang ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jennylyn Mercado, umaming muntik nang hind mag-audition sa StarStruck

Betong Sumaya, inaliw ang viewers sa ‘Laba Serye’