in

Melai Cantiveros, hindi na nakatiis sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ni Lie Reposposa

“Kaya wala kayong mapapala talaga (mga bashers), bash kayo ng bash, eh wala namang pakialam si Lie. Sorry na lang kayo,” ‘yan na lang ang masasabi ni sabi ni “PBB Otso” host Melai Cantiveros para sa mga netizens na walang tigil ang pagkukumpara sa kanila ng Teen Big 4 ng current edition ng “Pinoy Big Brother” na pinanggalingan din niya.

Si Melai ang naging Big Winner ng “PBB Double Up” noong taong 2009 at napangasawa niya ang kanyang kalove team sa Bahay ni Kuya na si Jason Francisco at ikinasal sila noong 2013.

Si Lie naman, ay kasalukuyang nasa labas ng “PBB” house at kabilang na sa Big 4 ng Teen Edition ng taong ito. Katulad ni Melai, siya ay makulit, may pagka-OA na dahilan para dumami ang kanyang tagahanga at maikumpara sa mga naunang housemates ni Kuya tulad ni Melai.

Pero kahit ganoon pa man ang naging reaksyon ng ibang tao sa kanya, nanatiling positibo ang pagtingin ni Lie sa pagkukumpara sa kanila.

Noon ngang nag-guest sila sa “Magandang Buhay” noong January 14, ipinaliwanag niya ang mga naging galaw niya sa loob ng bahay.
“Ganun lang po talaga ako mag react. Kasi nga po first time nga lang po talaga. Kaya okay lang talaga,” pahayag niya.

Nag-iwan din ng mensahe si Lie sa mga humuhusga sa kanya, “Okay lang po sakin talaga, kasi mas lalo akong sisikat ‘pag marami akong bashers. Sa mga bashers, love you. Kahit ganyan kayo, mahal ko pa rin kayo, pero mas mahal ko mga supporters ko.”

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network handa na sa kanilang unang pasabog sa 2019!

Hindi pa nagsisimula ang “Kara Mia”, trending na agad!