in

GMA Network handa na sa kanilang unang pasabog sa 2019!

Nakahanda na ang GMA Network sa una nilang pasabog for 2019!

Noong isang araw lang, inilabas na nila ang teaser ng “Inagaw Na Bituin” para sa GMA Afternoon Prime.

Ang dalawang lead stars ng show na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara ang napiling kumanta ng theme song ng kanilang teleserye na may pamagat na “Ako’y Isang Bituin.” Ang dalawa rin ay inaasahang magkakaroon ng showdown sa acting kasama na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, na mukhang hindi rin magpapakabog sa kantahan.

Ang direktor namang si Mark Reyes ay subok na sa ganitong genre. Katunayan ang “The Half Sisters” noon ni Barbie Forteza at The Tolentino ay nagtagal ng halos umabot sa dalawang taon.

Maliban sa salpukan nina Therese at Kyline, Sunshine at Angelika, aasahan din daw ang pagpapakitang-gilas nina Marvin Agustin, Jackielou Blanco, Gabby Eigenmann sa teleseryeng inaasahang papalit sa “My Special Tatay.”

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Welcome to PH Entertainment

Melai Cantiveros, hindi na nakatiis sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ni Lie Reposposa