in

Top-rating Korean drama series na ‘The Penthouse,’ mapapanood na sa GMA Telebabad

Ngayong Abril 26, maghanda na mabihag sa matinding kwento ng tatlong kababaihan mula sa isang marangyang apartment na ipaglalaban ang kani-kanilang mga hangarin sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na ‘The Penthouse.’

Matapos makagawa ng ingay dahil sa record-breaking ratings nito sa Korea, mapapanood na ng Filipino viewers ang multi-awarded series simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad. Ang The Penthouse ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Ji-Ah, Kim So-Yeon, Eugene, Um Hi-Joon, Yoon Jong-Hoon, at Park Eun-Seok.

Tungkol ang serye sa mga mayayamang pamilya na naninirahan sa Hera Palace at kanilang mga anak sa Cheong-ah Arts School. Lahat sila ay may mga ambisyon at hangarin para sa kanilang mga anak at gagawin ang anumang bagay para sa kanila.

Gayunpaman, magsisimulang gumuho ang kanilang buhay nang may isang misteryosong babae ang nahulog sa kanyang kamatayan sa gitna ng isang pagdiriwang sa Hera Palace. Habang pinipilit ng mga residente na pagtakpan ang katotohanan na namatay ang babae sa kanilang tirahan, hindi nila maiwasang paghinalaan ang isa’t isa sa nangyaring insidente.

Hanggang saan nila handang gawin ang lahat para manatili sa tuktok at protektahan ang kanilang mga interes?

Huwag palalampasin ang top-rating Korean series na ‘The Penthouse’ simula Abril 26, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 ng gabi sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Elijah Alejo, nanibago sa kanyang role sa ‘I Can See You: The Lookout’

Julie Anne San Jose, relate sa character niya sa ‘Heartful Café’