in

Thai superstars Mario Maurer at Ploy Laila Boonsayak, magpapakilig sa ‘Madam Pushy and I’

Simula Lunes (Agosto 10), inihahandog ng GMA Heart of Asia ang hit romantic comedy series mula sa Thailand na tiyak magpapatibok sa puso ng Kapuso viewers, ang ‘Madam Pushy and I.’

Tampok sa Lakorn ang kauna-unahang tambalan ng Thai superstars na sina Mario Maurer at Ploy Laila Boonsayak.

Isa sa major projects ng sikat na talent manager na si Madam Pushy (Ploy Laila Boonsayak) ang pasikatin ang guwapong si Next (Mario Maurer), pero kailangan niya munang maunahan ang karibal sa industiya na si Jeric (Chai Chatayodom Hiranyatithi) sa pagkuha kay Next.

Matagal nang magkaribal sina Madam Pushy at Jeric dahil sa paniniwala ni Madam Pushy na may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaniyang bestfriend.

Lumaking ampon ang simpleng binata na si Next. Nang magkaroon ng pagkakataon na maging artista, handa niyang gawin ang lahat para makaipon at mahanap ang kaniyang tunay na mga magulang.

Magtagumpay kaya si Madam Pushy sa kanyang superstar project para kay Next?

Abangan ang ‘Madam Pushy And I’ tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:45am, at tuwing Sabado,11:30am, simula Agosto 10 sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glaiza de Casto, aliw na aliw sa parody video ng ‘Encantadia’

Kapamilya games at toys, mas magpapasaya sa mga tahanan