in

Glaiza de Casto, aliw na aliw sa parody video ng ‘Encantadia’

Tuwang-tuwa ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro matapos mapanood ang isang parody video ng hit GMA primetime series na Encantadia.

Good vibes kasi ang hatid ng video mula sa grupong ParoDivas sa paandar nilang ‘Bragais Tocotocoto” challenge habang nakasuot ng mga Sang’gre costume nina Amihan, Alena, Danaya at Pirena.

“Nagulat ako na sobrang effort ‘yung pagkakagawa ng parody nila as in. Tapos natuwa ako nu’ng pinabago nila ‘yung music. Nakaka-good vibes talaga,” kuwento ni Glaiza sa panayam ng 24 Oras.

Pinasalamatan din ng aktres ang grupo sa paghahatid ng saya sa gitna ng pandemya, “Parodivas, maraming maraming salamat sa good vibes na ipinarating n’yo sa amin. Nakakatuwa na naa-appreciate n’yo ‘yung ‘Encantadia.”

Napapanood si Glaiza gabi-gabi sa rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad at sa Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘All-Out Sundays,’ star-studded ang episode ngayong Linggo!

Thai superstars Mario Maurer at Ploy Laila Boonsayak, magpapakilig sa ‘Madam Pushy and I’