in

Sino ang natitirang buhay sa salpukang Richard Gutierrez-Geoff Eigenmann sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Mababawasan na ba ng kaaway si Cardo (Coco Martin)?

Isang maaksyong linggo ang nag-aabang sa viewers simula Lunes (Oktubre 11) dahil sa madugong engkwentrong sisiklab sa pagitan nina Lito (Richard Gutierrez) at Albert (Geoff Eigenmann) sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magugulat na lang si Lito dahil susugurin ni Albert at ng buong pwersa ng Black Ops ang warehouse na kinaroroonan niya kung saan magaganap ang isang malaking transaksyon ng mga drug lord.


Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.