in

Karen Davila returns to ‘TV Patrol,’ Pia Gutierrez joins ‘The World Tonight’

Magbabalik ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila bilang isa sa mga anchor ng “TV Patrol” simula Lunes (Oktubre 11) para mas palakasin ang misyon ng newscast na maglingkod sa mga Pilipino saan man sila sa mundo.  

Sina Karen at ang kapwa batikang news anchors na sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang mangunguna sa flagship newscast ng ABS-CBN na 34 taon nang naglilingkod at naghahatid ng balita at impormasyong mahalaga sa bawat Pilipino lalo na sa kritikal na panahon ngayon. 

Unang naging bahagi ng newscast si Karen noong 2004 hanggang 2010. Kabilang din dati ang kasalukuyang anchor ng “Headstart” sa ANC sa late night newscast ng ABS-CBN na “Bandila” bago ang broadcast shutdown noong 2020. 

Samantala, ang senior reporter na si Pia Gutierrez naman ang bagong makakasama ni Tony Velasquez sa “The World Tonight” kapalit ni Karen simula rin sa Lunes (Oktubre 11).  

Bahagi si Pia ng Malacanang Press Corps at nagbabalita tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Nagsimula siya sa regional station ng ABS-CBN sa Baguio noong 2006 bago pumasok sa ABS-CBN News and Current Affairs noong 2010. 

Manood ng “TV Patrol” kasama sina Henry Omaga-Diaz, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, at Karen Davila tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:30 pm sa ANC at TeleRadyo sa cable at satellite TV, overseas via TFC, at online sa ABS-CBN News YouTube Channel, news.abs-cbn.com, o makinig sa audio streaming sa ABS-CBN Radio Service App. 

Tutukan din ang “The World Tonight” nina Tony Velasquez at Pia Gutierrez tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 pm sa ANC at 10:40 pm sa Kapamilya Channel at napapanood rin sa iWantTFC, TFC, at iba pang ABS-CBN News digital platforms. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sino ang natitirang buhay sa salpukang Richard Gutierrez-Geoff Eigenmann sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Erik Santos, may all-star birthday treat sa ‘ASAP Natin ‘To’