in ,

Sheryn Regis, gustong magpasabog ng pag-ibig at pag-asa sa digital concert na ‘Love United’

Handa nang magpasiklab ang Kapamilya singer na si Sheryn Regis sa kauna-unahan niyang digital concert na “Love United,” na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at re-run nito kinabukasan (Oktubre 24).

Ibibida ng ‘Crystal Voice of Asia’ sa enggrandeng musical event ang mga pagtatanghal na magpapakita ng pagmamahal, pag-asa, at healing.

“Maganda kasi mag-express ng songs na inspirational these days, like, you can give hope and love through a song. So the viewers can receive healing from the songs that we’re going to perform as well,” aniya sa isang MYXclusive interview.


Ang “Love United” ay handog ng ABS-CBN Events at ipinrodyus ng MAK Entertainment. Pwede nang bumili ng ticket sa concert online sa halagang P899/USD 17.99 (regular) at P1,4999/USD 30 (VIP na may kasamang access sa digital after party).

Damhin ang paghilom kasama si Sheryn sa “Love United,” na mapapanood 8PM PhST sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at may re-run 10AM PhST kinabukasan (October 24). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.